-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kilalang si dating Judge Jaime Santiago bilang bagong director ng National Bureau of Investigation (NBI).
Papalitan ni Santiago sa pwesto si Director Medardo de Lemos.
Si Santiago ay nakapanumpa na sa pwesto sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Si Santiago ay dating judge ng Manila RTC Branch 3.
Nagtapos ito ng abogasya sa MLQU noong 1993 habang nagsisilbi ito bilang pulis.
Pumasok ito sa Manila Police District noong 1979 at tinaguriang sharp shooter.
Bago naging Judge si Santiago, naging commander ito ng MPD special weapons and tactics (SWAT).
Kabilang sa kaniyang naging accomplishments ay ang anim na insidente ng hostage taking kung saan na neutralize ang lahat ng suspek.