Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr,. si Senator Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa pwesto.
Sa July 19,2024 magiging epektibo ang resignation ni VP Sara.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil na inanunsiyo ni Pangulong Marcos ang appointment ni Angara sa isinagawang Cabinet meeting kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang.
Sinabi ni Garafil na tinanggap ni Angara ang posisyon.
Si Sen. Angara ay may malawak na legislative history, at championed sa mga significant educational reforms.
Si Angara ay may Master of Laws mula sa Harvard University, Bachelor of Laws mula sa University of the Philippines, Bachelor of Science in Economics mula sa London School of Economics na kaniyang naging daan para pamunuan ang Department of Education.
Kabilang sa kaniyang legislative work ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act at the Enhanced Basic Education Act of 2013 (K-12).
Suportado si Sen. Angara ng mga key educational organizations.
Siya ay inindorso ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) at ng Philippine Association of Colleges and Universities (PACU).
Binigyang-diin ni Pang. Marcos ang critical role ng DepEd at ang pangangailangan ng isang lider na may kapasidad upang pamunuan ang malawak na operasyon ng kagawaran.
Lubos na nagpapasalamat ang gobyerno kat Vice President Duterte sa kaniyang serbisyo,at inaasahan ang smooth transition sa pamumuno ni Secretary Angara.
Samantala, lubos na nagpasalamat si Angara kay Pangulong Marcos sa tiwalang ibinigay nito bilang bagong talagang kalihim ng Department of Education.
Ayon kay Angara, tinatanggap niya nang may pagpapakumbaba ang responsibilidad na ito na ibinigay sa kanya ng punong ehekutibo.
Bilang bagong Secretary ng DepEd aniya ay nakatuon siya sa pakikipagtulungan sa lahat ng sektor ng lipunan kabilang na ang kanyang pinalitan na si Vice President Sara Duterte.
Ito ay upang matiyak aniya na ang bawat Pilipino ay may access sa de-kalidad na edukasyon.
Naniniwala si Angara na ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng bansa, at ito ay sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap na matugunan ang mga hamon at samantalahin ang mga oportunidad sa hinaharap.
Sabik din aniya siyang makipagtulungan kay Pangulong Marcos at sa buong administrasyon na paglingkuran ang mga mag-aaral, suportahan ang mga guro, at paigtingin pangkalahatang kalidad ng edukasyon sa ating bansa.
Sa panig naman ng DepEd, ‘welcome’ umano para sa kanila ang pagkakatalaga kay Sen. Anga bilang bagong pinuno ng kagawaran.
“We welcome Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara to the Department of Education (DepEd). The DepEd community looks forward to working with the new leadership as we continue our relentless pursuit towards improving the quality of Basic Education in the country,” saad ng opisyal na pahayag ng DepEd.