Itinutulak ni Pangulong Bongbong Marcos ang paggamit ng electric vehicle sa bansa bilang pampublikong transportasyon.
Ayon kay Energy Usec. Felix William Fuentabella, na inatasan ng Pangulo ang Department of Energy (DOE) at iba pang ahensya ng pamahalaan na pabilisin ang implementasyon ng action plans at estratehiya para mapaunlad ang industriya ng E-vehicle Sa bansa.
Kabilang dito ang pagpapalakas ng local manufacturing ng EV at ang battery charging mechanisms nito.
Pinatututukan din ng Pangulo sa DOE na pagkuha ng suporta sa acquisition ng E-vehicle sa pamamagitan ng mga commercial fleets tulad ng government o private company cars at public transportation fleets para maging mas simple at episyente ang maintenance at battery charging.
Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Pangulong Marcos ang pagpapatibay ng financial schemes upang mas mapadali ang pagkuha ng EV fleets.
Sa kabilang dako May hakbang na ang pamahalaan para palitan ang MGA de gasolinang sasakyan nito Ng e- o hybrid vehicle.
Inihayag ni Fuentebella na nakarating na din ito sa Department of Budget and Management para SA procurement process.
Aprub na Aniya ito dagdag ng Energy official na natanong at nakamusta din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr kay DBM secretary Amenah Pangandaman.
Sa isinagawang sectoral meeting kaninang umaga sa Palasyo ay Isa ito sa naging pangunahing agenda na kung saan ay isinulong din ng Chief Executive ang pagpapalakas sa EVS upang magamit na public transport.