-- Advertisements --

Nakikiisa si Pang. Ferdinand Marcos Jr sa mga debotong Katoliko sa pagdiriwang  ng Pista ng Itim na Nazareno.

Hinikayat ang mga Filipino na gawing inspirasyon ang aktibidad upang matuklasan ang panloob na lakas at bagong pakiramdam ng pagasa.

Ayon sa Pangulo ang nasabing selebrasyon ay nagpapakita ng pag ibig at sakripisyo ng Panginoong Hesu Kristo na inalay ang buhaý nito para pagbuklud buklurin ang sangkatauhan.

Sinabi ng Pangulo na ang Pista ng Itim na Nazareno ay isang kahanga-hangang pagdiriwang ng walang hanggang awa at walang hangganang pagmamahal ng Poong Maykapal sa lahat.

Hinimok din ni Pangulong Marcos ang mga mananampalataya na paalalahanan ang kabutihan ng pagtanggap sa pagdurusa ng isang tao at sumailalim sa espirituwal na pagbabago.

Hinimok din ng punong ehekutibo ang mga mananampalataya na palalimin ang kanilang kaugnayan sa Diyos at maging instrumento ng kapayapaan, pagkakaisa, at pakikiramay sa mga Pilipino at sa bansa.

Binabati ng Pangulong Marcos ang lahat ng isang mapayapa at makabuluhang paggunita.