Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalatag ni Alice Guo ang kaniyang nalalaman at kung paano nagkaroon at lumaki ang operasyon ng POGO sa bansa.
Ayon sa Presidente bilang dating local government executive, na imposible at mahirap paniwalaan na hindi alam ni Guo ang nangyayari lalo na’t ilegal at malaki ang operasyon nito habang ilang metro lang din layo nito sa kanyang tanggapan.
Ipinunto ng Presidente na marami ring mga tanong na dapat sagutin si Guo tulad ng kung paano siya yumaman at paano siya naging municipal mayor gayung hindi naman siya kilala ng mga residente roon.
Binigyang-diin ng punong ehekutibo na bagama’t naitanong na ito ng mga senador at mambabatas, mas maigi aniyang si Guo mismo ang sumagot kaysa sa kanyang mga hinihina lang kasabwat na sina Cassandra Ong at Sheila Guo na laging paiwas ang mga sagot.
Aniya, mas makakatulong ito kay Guo dahil lalo aniyang bibigat pa ang problema ng dating alkalde kung hindi siya magsasabi nang totoo.
Ang dating municipal mayor ng Bamban ay nakatakdang humarap sa pagdinig ng Senado.