-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinilala ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lungsod ng Davao bilang “shining beacon of progress” ng bansa. Ayon ito sa kanyang mensahe na inilabas kasabay ng pagdiriwang ng 37th Kadayawan Festival sa Davao.

Pinuri ng Pangulo ang katatagan at pagkakaisa ng lungsod sa kabila ng mga hamon at kahirapan na naranasan nito. Umaasa rin ang Presidente na magkakaroon ng matatag na pag-unlad at kaunlaran ang lungsod sa mga susunod na taon.

Dagdag pa ng pangulo, hindi dapat kalimutan ng mga taga-Dabawenyo na magpasalamat sa masaganang ani na naging pundasyon ng maunlad na lungsod ng Davao.

Opisyal ng binuksan ang selebrasyon ng ika 37th Kadayawan sa Davao kahapon, Agosto 15, 2022.