Nagpahayag ng kaniyang taos-pusong Pasasalamat si Pang. Ferdinand Marcos Jr.,sa kontribusyon ng Philippine Army sa national defense, constitutional integrity, at public safety kasunod sa pagdiriwang ng kanilang ika-128 na Founding Anniversary.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang katapangan, katatagan, at dedikasyon ng mga sundalo para sa isang mas ligtas, mas matatag, at mas nagkakaisang bansa para sa mga susunod na henerasyon.
Sa talumpati ng Pangulo, aniya nararapat lamang na kilalanin ang mga sundalo sa kanilang katapangan at katatagan lalo na kapag nahaharap sa malaking hamon.
Giit ng Punong Ehekutibo ang mga sundalo ay kinakailangang may paninindigan na hindi natitinag sa harap ng pagsubok at ang tunay na sukatan ay ang kahandaang isantabi ang sariling interes para sa mas mataas na layunin.
Aniya, dapat mangibabaw din ang adhikaing magkaroon ng pagkakaisa, mas makatarungan at tungo sa tunay na mapayapang bansa.
Pinuri din ng Pangulong Marcos ang Phil Army sa nakuhang mataas na marka batay sa isinagawang General Security of Military Information Agreement evaluation.