Kinontra ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pananaw na ang halalan ay panahon ng pagsisiraan, pagkakabitak-bitak at pagkakahati-hati.
Sa talumpati ng Presidente kaniyang binigyang-diin na ito ay kabaligtaran sa inilunsad na alyansa kaninang umaga.
Lumagda kasi ng isang manifesto ng alyansa ang limang malalaking political party sa bansa ito ang Lakas-CMD sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez, Nacionalista Party, Partido Federal ng Pilipinas, Nationalist Peoples Coalition at National Unity Party.
Ayon sa Pangulo ang alyansa ay isang kilusang nagbubuklod sa pinakawalak na pwersa ng mga nagmamahal sa inang bayan.
Ikakampanya ng coalition ang programang pangkaunlaran at sinisigurong walang naiiwanan.
Kumpiyansa ang Presidente na sa pagsama-sama ng 12 indibidwal na may taglay na sipag at galing para maging pinuno, titindig ang mga ito para sa interes ng bayan at sa kapakanan at karapatan ng bawat Pilipino.
Sa ginawang pag endorso ng Pangulo, hiling nito sa 12 senatorial candidates na mapanatili ang kanilang katapatan at pagmamahal sa bansa dahil ito ang pinakamahalagang katanginan ng isang kandidato.
Nanawagan ang pangulo sa publiko na suportahan ang mga nasabing kandidato na subok na sa kanilang kalidad at karanasan sa serbisyo publiko.