Ikinukunsidera ngayong ng Marcos Jr. administartion ang paggamit ng nuclear energy bilang iba pang power sources para tugunan ang power crisis sa bansa.
Binigyang-diin ni Pang. Fertdinand Marcos Jr. na kailangan ng tugunan ang problema sa energy supply ng bansa at ang nakikita nilang principal sources of power ay ang nuclear energy.
Aminado ang pangulo na kahit nuon pa man bago siya naging Pangulo ng bansa ay isinusulong na ito ang nuclear energy para tugunan ang power shortage sa bansa.
“Even before I took office, pinag-uusapan na namin tingnan ‘yan. It turns out there are many nuclear technologies, iba-iba.
Ang dami naming natutunan in our last visit to Washington and then — even ‘yung nasa EU (European Union) kami, marami palang iba-iba,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.
Isa sa kinukunsidera ng Pangulo ang “cutting-edge” micro nuclear fuel technology as part of the administration’s efforts to solve the country’s power crisis.
Ayon sa chief executive na pinag-aaralan ng mabuti ng pamahalaan at bukas ito sa anuma lalo na sa power supply.
Isinusulong din nito ang renewable energy ng sa gayon mabawasan na ang paggamit ng mga fossil fuels.
“So, pinag-aaralan natin mabuti. When it comes to power, we’re open to everything. Kahit na ano na pwede nating makuha para pag-addition sa power supply natin. Syempre nandyan pa rin, lagi nating iniisip ‘yung kailangan parami na ‘yung renewables, pabawas na ‘yung fossil fuels,” punto ni Pang. Marcos Jr.
Sa kabilang dako, sa panig naman ng House of Representatives, inihayag ni Anakalusugan Rep. Ray Reyes na miyembro ng House Committee on Appropriations na inaprubahan na ng komite ang pondo para simulan na ang Philippine Atomic Research Agency.
Ibig sabihin sisimulan na ang pagaaral sa paggmit ng nuclear energy.
Sa kabilang dako, inaalam na rin ng mambabatas kung mayruong mga hospital ang naapektuhan sa nararanasang krisis ngayon sa kuryente.
Dahil dito ipinanawagan ni Cong Reyes na ayusin na ang Ancillary Service Contracts para may back up power kapag nag red alert.
Ayon kay Reyes dapat magpaliwanag dito ang Energy Regulatory Commission sa kabiguan nitong hindi pag proseso o pag apruba sa ancillary services contracts.
Naniniwala ang mambabatas na ang mataas na demand ng kuryente sa panahon ng summer ay inaasahan na kaya dapat na itong tugunan.