Kumpiyansa si Pangulong Bongbong Marcos na walang magbabago sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos kasunod ng pagkakapanalo ni US President Donald Trump.
Sinabi ng Pangulo na matagal nang kaalyadong bansa ng Pilipinas ang Amerika kaya sa tingin nya ay hindi basta-basta magbabago ang relasyon ng dalawang bansa.
Una nang nagpaabot ng pagbati si Pangulong Marcos kay Trump, at looking forward na anya sya na makatrabaho ang US leader sa iba’t ibang usapin na parehong pakikinabangan ng US at Pilipinas.
Nabatid na may malalim na ugnayan ang Pilipinas at Anerika pagdating sa usapin ng defense and security, trade and investment, food and energy security, renewable energy, climate action, digital transformation, infrastructure development, at humanitarian assistance.
” I don’t think it will change. The… You know, the global forces that are – and you know, they are our oldest treaty – treaty partner, that doesn’t change. So, I will have to see if there is a major change, but I don’t think so. I don’t think so,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.