-- Advertisements --

Naniniwala ang Pangulo na sa pamamagitan ng office of the solicitor general, mailalahad at madidipensahan nito ang posisyon ng gobyerno sa pambansang budget.

Ayon sa pangulo, nagkausap na sila ni Solicitor General Meynard Guevarra at ginarantiyahan sa kaniya na matatag at matibay ang posisyon ng gobyerno sa usapin ng pagiging konstitusyunal ng pambansang budget.

“ Well, that – I have read some of the filing, the complaint. Well, the SolGen of course, will be the ones who will argue for the government and he tells me,  SolGen Menard tells me that we are on a solid footing in terms of constitutionality. It will… I don’t know why they bother to file that because napakahirap ng kanilang assertion. It’s clearly doesn’t. Well, anyway, it’s not for me to make the argument. We will let the SolGen make the argument before the Supreme Court and we are very confident that our case is strong,” pahayag ni Pang. Marcos.

Hindi nga lang maunawaan ng Pangulo kung bakit pinag aksayahan pa ng panahon ng ilang grupo ang paghahain ng petisyon laban sa General Appropriations Act (GAA).

Magkagayunman, hintayin na lamang aniya ang magiging pasya hinggil dito ng ng Supreme Court.