Nagka-usap kaninang umaga sa pamamagitan ng telepono sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President elect Donald Trump.
Asahan na rin ang patuloy pang pagpapatatag ng kooperasyon ng Pilipinas at Estados Unidos, sa ilalim ng administrasyon ni Trump.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaninang umaga nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap sa telepono si Trump, kung saan ipinaabot niya ang pagbati sa pagkakapanalo ni Trump sa katatapos lamang na US elections.
Sabi ng pangulo, napagusapan nila ang samahan ng Maynila at Washington, kung saan binigyang diin ng Pilipinas ang commitment nito na patatagin pa ang malalim na samahang ito.
Nabanggit rin ng pangulo na kabilang mga Pilipino sa US, sa bumoto kay Trump.
Sabi ni Pangulong Marcos, plano niyang personal na mak-pulong ang president-elect.
Itinuring ng Pangulo na isang friendly call at napaka productive ang kanilang pag-uusap.
Tinanong naman si Pang Marcos kung kanilang natalakay ang isyu sa mga Filipino immigrants sagot ng presidente na hindi nila napag usapan ito ni President Trump.
Gayunpaman sinabi ng Pangulo na ang nasabing usapin ay inaayos na ng embahada.