-- Advertisements --

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na mas magiging malakas pa ang relasyon ng Pilipinas at ng Singapore.

Ito ang naging pahayag ng Pangulo sa pagharap nito sa mga Singaporean businessmen sa isang roundtable discussion.

Sinabi ng Pangulo na simula pa lang ng bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa ay walang anomang diplomatic at political issue o iba pang usapin na bumangon.

Ito aniya ang dahilan kaya’ t dumating din ang pagkakataon na ang pinakamalaking source ng foreign investment ng Pilipinas ay ang Singapore.

Kaakibat ng nakikitang mas maganda pang bukas sa pagitan ng Pilipinas at Singapore, naniniwala din ang Chief Executive na mas marami pang oportunidad ang nakatakdang dumating.

Determinahin na lamang aniya ito at pagkakasunduan bukod sa kung paano tutugunan ang mga pagbabago na kakaharapin sa darating na hinaharap.