Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabubuwag ang komunistang rebeldeng grupo sa Northern Samar sa katapusan ng 2023.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Camp Juan Ponce ng 803rd Infantry Peacemakers Brigade (IB) sa Sumuroy, Northern Samar, sinabi ng punong ehekutibo na nakatanggap siya ng briefing sa success rate sa pagbuwag at paghina na ng coomunist terrorist groups (CTG) front na resulta aniya ng pagsusumikap ng naturang Infantry brigade ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Mula sa nagawang progreso sa Northern Samar, umaasa din ang Pangulo na maidedeklarang clear o insurgency free na ang probinsiya mula sa communist terrorist groups sa katapusan ng taon.
Sinabi din ng Pangulo na patuloy ang pagpapaganda ng sitwasyon sa probinsiya at hindi na ito makapagantay pa na maideklarang malaya mula sa insurhensiya ang naturang probinsiya mula sa CTG formations.
Kapag nangayari ito, isa aniya itong malaking suntok sa pwersa ng kalaban dahil itinuturing nila ang Northern Samar bilang isang ligtas na lugar para sa kanila.
Una rito, nagtungo si PBBM sa probinsiya para sa inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road Project at namahagi ng iba’t ibang tulong para sa mga residente at lokal na pamahalaan sa probinsiya ayon sa Presidential Communications Office (PCO).