-- Advertisements --

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kayang mapanatili ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang peace and order sa nakatakdang May 2025 Bangsamoro parliamentary elections. 

Sa pakikipag-usap ng Punong Ehekutibo sa mga sundalo, kaniyang ipinunto na mahalaga ang papel ng militar para mapanatili ang peace and security ng bansa na siyang layunin sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections na nakatakda sa susunod na taon ay ay kumakatawan sa isang paglalakbay tungo sa isang makabuluhang awtonomiya at isang mapayapang Bangsamoro

Kumpiyansa ang Pangulo sa abilidad ng mga sundalo 

upang matiyak ang ligtas at tapat na pagsasagawa ng mga halalan dahil ito ang maglalatag ng batayan para sa isang Bagong Pilipinas. 

Sa ginawang talked to the troops ni Pang. Marcos, pinangunahan din nito ang paggawad ng parangal ang Distinguished Conduct Star (DCS) sa dalawang sundalo at  Gold Cross Medal (GCM) sa tatlong sundalo dahil sa kanilang kabayanihan sa pakikipaglaban sa  Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction (BIFF-KF).