Kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos sa mga ginagawang hakbang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) lalo na sa kampanya sa local insurgency at territorial defense.
Partikular na tinukoy ang matagumpay na kampanya laban sa local communist group at local terrorist group kung saan patuloy ang pagbaba ng trend gaya ng kanilang pwersa, armas, bilang ng mga barangays na apektado at ang bilang ng mga guerilla fronts.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, ipinag-utos ng Pangulong Marcos na ipagpatuloy lamang ang kanilang kampanya partikular ang tinatawag na PLEDGE, pagkakaisa o Peace, law enforcement, development, development support na isang napakagandang formula na isang whole of government approach na malaking ambag sa pagbaba ng impluwensiya ng communist terrorist group.
Sinabi ni Brawner na nagpahayag ng kasiyahan ang Presidente sa naging accomplishments ng Sandatahang lakas ng Pilipinas.
Sa isinagawang Command Conference, inihayag ni Gen. Brawner na kanilang iprinisinta ang isang updated territorial defense plan kalayaan kay Pangulong Marcos.
Sinabi ni Brawner ang kanilang approach dito ay hindi lamang naka pokus sa labas ng ating bansa kundi maging sa loob kung saan kanilang tinututukan at tinututugan ang united front works.
Ayon kay Brawner, kuntento ang pangulo sa nasabing plano kung saan natuwa ito dahil napaka holistic ang approach nito.
Hindi lamang ito nakatuon sa external defense kundi maging sa internal defense gaya ang pagtugon sa mga united fronts partikular yung mga ginagawa ng ibang bansa na layong impluwensiyahan ang ibat ibang sektor ng society.
“ We presented to the president our updated plan for our territorial defense bantay kalayaan at natuwa naman po ang ating pangulo dahil nakita nya na very holistic yung ating aprpoach, hindi lang po kasi tayo nakatingin sa labas, sa labas ng ating bansa pero nakatingin din sa tyao sa loob ano. We will, when we talk about territorial defense, we are not just doing external defense looking outward but we are also looking inward and addressing the united front works ano nung mga ibang bansa na gustong impluwensyahan yung ating ibat ibang mga sector ng society natin,” pahayag ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner.