-- Advertisements --

Kuntento si Pang. Ferdinand Marcos Jr sa naging serbisyo ni retired Gen. Benjamin Acorda Jr.

Ayon sa presidente kay Acorda job well done.

Sa retirement honors para kay Acorda kasabay ng change of command ceremony, kaninang umaga binati ng Pangulo si Acorda sa aniya ay tagumpay na five focused agenda nito tungo sa mas tapat na law enforcement operations, pinalakas na information technology capabilities, at mas maigting na community relations.

Ayon sa Pangulo, kapansin pansin din ang ginawang hakbang ni Acorda sa PNP na labanan ang ibat ibang uri ng krimen, resulta aniya ng pag iingat at pagiging epektibo ng mga officer at personnel gayundin ang pagiging epektibo ng mga programa ng PNP.

Inihalimbawa ni Pangulong Marcos ang resulta ng octa research survey noong isang taon, na kumilala aniya sa pnp bilang ikatlong pinaka mataas na performing at most trusted sa 25 government agencies na tumanggap ng 76% trust rating.

Ayon sa Presidente, patunay lamang ito na tumaas ang antas ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa pambansang pulisya.

Kaya naman sinabi ng pangulo na ang pinaka magandang send off na dapat ibigay kay acorda ay ang pangakong higitan pa ang kaniyang mga ginawa at ipagpatuloy ang magagandang accomplishments na sinimulan nito.