-- Advertisements --

Maayos ang pakiramdam at kalagayan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil dalawang araw matapos tamaan ng covid-19 si PBBM.

Sa katunayan, sinabi ni Garafil na sasabak pa nga sa isang teleconference ang Pangulo ngayong hapon.

Matatandaang hindi nakadalo si Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng Public-Private Partnership Code of the Philippines (PPP Code) at Internet Transactions Act of 2023 sa Malacañang kahapon pero pinirmahan ng presidente ang dalawang batas sa kanyang tahanan sa Bahay Pangulo.

Naging kinatawan naman ng Pangulo si Executive Secretary Lucas Bersamin sa National Decongestion Summit sa Maynila kaninang umaga dahil hindi pa tapos ang kanyang isolation period.