-- Advertisements --

fiala1

Magiging punong abala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa nakatakdang pagkikita nila ni Czech Republic Prime Minister Petr Fiala sa Malacanang mamayang hapon na nasa bansa sa kasalukuyan para sa isang official visit.

Bahagi ng official visit ng lider ng Czech Republic ang magiging pulong nila ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

Bago ang pulong magkakaruon muna ng welcome ceremony sa pagdating ng Czech Republic Prime Minister sa Kalayaan grounds ng Palasyo, kasunod nito ay ang tradisyunal na paglagda sa guestbook.

Sa bilateral meeting ng dalawang lider, inaasahang mapag- uusapan ng dalawa ang patungkol sa defense cooperation, trade and investment, university linkages, judicial at labor cooperation.

Ilang kasunduan din ang lalagdaan nina Pangulong Marcos at ni Prime Minister Fiala at joint press statement.

Dumating sa bansa si Prime Minister Fiala kagabi sa Villamor Air base sa Pasay City.

Sa pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagbisita ni Prime Minister Fiala sa bansa ay maituturing na mahalagang milestones sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic.

Magugunita na nagkita na sina Pangulong Marcos Jr. at Prime Minister Fiala sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – European Union (EU) Commemorative Summit sa Brussels, Belgium nuong December 2022.

Ang Pilipinas ang magsisilbi bilang ASEAN Coordinator of Dialogue Partnership sa EU hanggang 2024.