-- Advertisements --

Makakasama ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pamilya ngayong Semana Santa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na babawi ng oras ang Pangulo sa kanyang pamilya matapos ang pagiging abala sa kanyang mga aktibidad.

” Naitanong po natin at siya po ay makakasama niya po ang kaniyang pamilya, he will spend his time with his family. At mga detalye ay hindi ko na po maibibigay, iyon lang po,” pahayag ni USec. Castro.

Sinabi ni USec. Castro na hindi nabanggit ni Pang. Marcos kung saan nito gugugulin ang maiksing bakasyon.

Pero binanggit nito na sa Huwebes pa magsisimula ang Holy Week break ng Presidente dahil mayroon pa itong schedules sa Malakanyang bukas at sa Miyerkules.

Tiniyak naman ng Palasyo na mananatiling nakabantay si Pang. Marcos sa sitwasyon sa buong bansa.

” Basta he will spending his time during his Holy Week most probably starting Thursday. Opo, pero iyon lang po, itong Holy Week na po ay bibigyan niya po naman ng oras ang kaniyang pamilya para po sila’y magkasama-sama dahil sa sobrang busy ng ating Pangulo sa kaniyang mga activities, so iyan po,” dagdag pa ni USec. Castro.