Naghahanda na ang Filipino community sa Singapore sa pagdating ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Setyembre 6 hanggang Setyembre 7.
Kasunod ito ng imbitasyon ni Singaporean President Halimah Yacob kay Marcos Jr. para sa state visit upang mapalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Ayon kay Bombo International Correspondent Mercy Saavedra Cacan direkta sa Singapore, nag-abiso na rin ang Embahada ng Pilipinas na may isasagawang meeting sa presidente sa Setyembre 6 sa University Cultural Centre Ho Bee Auditorium sa National University Singapore.
Sa inisyal na impormasyon, bubuksan ang gates sa 2:00 sa hapon at isasara sa5:00 para sa main event na magsisimula naman sa 6:00 pm.
Sa ngayon, may isinasagawang online pre-registration system para sa mga Pinoy na balak dumalo sa FilCom meeting.
Bago ang state visit sa Singapore, darating rin si Marcos Jr sa Indonesia para sa state visit sa Setyemnre 4-6