Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang si Malaysian Foreign Minister Dato Seri Utama Haji Mohamad Bin Hasan, kahapon, July 1,2024.
Sa courtesy call ng foreign minister sa Study Room sa Malacañang, nagpasalamat ang pangulo sa pagtungo nito sa Palasyo sa kabila ng pagiging abala at pagbiyahe sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia.
Ayon naman sa Malaysian top diplomat, matagal na dapat niyang isinagawa ang pagbisitang ito, noon pang nasa defense pa ang kaniyang linya.
Aniya, sa gitna ng kaliwa’t kanang geopolitical meeting, pinaglaanan niya ng pa rin ng oras ang pagtungo sa Pilipinas.
Umaasa si Pangulong Marcos na maging produktibo ang pagbisita nito sa Pilipinas, lalo’t maraming balikatan ang dapat na patuloy na matalakay ng dalawang bansa.