Nagpadala ng matinding mensahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gobyerno ng China nang utusan nito ang Philippine Coast Guard (PCG) na putulin ang mga lumulutang na 300-meter buoy na inilagay ng China Coast Guard (CCG) sa Scarborough Shoal.
Ito ang inihayag ni Professor Renato De Castro ng La Salle International Studies.
Binigyang-diin ni De Castro na ang decisive actions ng Pangulong Marcos ay ang pagsasabi sa gobyerno ng China tungkol sa kanyang malakas na political will upang matiyak ang food security para sa mamamayang Pilipino, lalo na para sa mga mangingisda, at ang kanyang independent foreign policy na nagdulot ng matinding epekto sa China.
Paliwanag ni De Castro, ang ginawa ni Pangulong Marcos, nang hindi ito kumunsulta sa mga pamahalaan ng US, Japan, at Australia, ay nagpakita ng kanyang independiyenteng patakarang panlabas at nagpasya na harapin ang “maritime expansionism” ng China Coast Guard.
Binigyang-diin din ni De Castro na ang pagkilos ni Pangulong Marcos ay kanyang paraan upang ipakita sa gobyerno ng China kung paano haharapin ng administrasyon ang kanilang mga ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea at kung paano ipagtanggol ang mga karapatan ng bansa sa karagatan ng Pilipinas.
Ipinatutupad din ni Pangulong Marcos ang July 12, 2016-ruling, na nagsasaad na ang Scarborough Shoal ay isang “traditional fishing ground,” na nangangahulugan na ang lahat ay dapat magkaroon ng access sa lugar kabilang ang China at mga kalapit na bansa.
Dagdag pa ni Professor De Castro na asahan pa ng China ang mga decisive actions mula kay Pang. Marcos.
Sabi ni De Castro, sa ngayon medyo natataranta ang China at nagular sila sa desisyon ng Presidente.
Ipinunto ni De Castro na ang mga mapagpasyang aksyon ni Pangulong Marcos sa pagharap sa CCG sa West Philippine Sea ay isang welcome development para sa mamamayang Pilipino, lalo na sa mga apektadong mangingisda dahil pinapayagan na silang mangisda sa karagatan ng Pilipinas.