Kinumpirma ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na may napili na siyang kapalit ni Sec. Benhur Abalos bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa isang ambush interview sa Presidente dito sa Capaz,Tarlac kaniyang inihayag na dalawang pangalan ang kaniyang ikinukunsidera.
Tumanggi naman ang Pangulo na banggitin kung sino ang susunod na kalihim ng DILG.
Ayon kay Pang. Marcos kaniya i-anunsiyo ang susunod na kalihom sa sandaling makapag file na ng kaniyang certificate of candidacy si Abalos.
Lumulutang ang pangalan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na maging kalihim ng DILG.
Bukas si Barbers sa anumang posisyon sa gobyerno kung aalukin siya.
Si Abalos ay nagpahayag na tumakbo sa 2025 midterm elections sa ilalim ng Alyansa sa Bagong Pilipinas.