-- Advertisements --

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na hindi pa rin makikipag-tulungan ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), sakaling tutukan o gumulong na ang imbestigasyon ng ICC sa umano’y human rights violation sa ilalim ng War on Drugs ng Duterte Administration.

Pahayag ito ng pangulo nang tanungin kung babalik na ba ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng Rome Statute na bumuo sa International Criminal Court (ICC), kasunod ng pahayag ng Office of the Executive Secretary kahapon (November 13).

Sabi ng OES, sa oras na idaan ng ICC sa interpol ang proseso para sa imbestigasyon sa war on drugs, mapipilitan ang Philippine authorities na sa makipagtulungan dito.

Paglilinaw ng pangulo, sa interpol mayroong responsibilidad ang Pilipinas at hindi sa ICC. Ibig sabihin, hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC.

Gayunpaman, hindi aniya haharangin ng pamahalaan ang gagawing pagsisiyasat ng international court.

Kaugnay naman sa hamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC na mag-imbestiga na, ayon kay Pangulong Marcos, desisyon na ito ng dating pangulo, at hindi ito tututulan ng pamahalaan.

” No, no, no, no, no, you have misread it. We do not cooperate with the ICC. That is the position of this government,” pahayag ni Pang. Marcos.