Muling nananawagan sa publiko ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko na i-register na ang kanilang mga Sim cards.
Ito’y matapos aprubahan ng Pangulo ang 90-day extension ng SIM card registration na magsisimula sa April 27,2023, binalaan din ng publiko na posibleng tumaas ang text scams.
Ang approval ng Pangulo ay ginawa kasunod ng isinagawang sectoral meeting sa Malacanang na dinaluhan ni DICT Secretary John Ivan Uy at mga opisyal Ng National Telecommunications Commission.
Ang Republic Act No. 11934 o Ang SIM Registration Act na nilagdaan ni Pangulong Marcos nuong October 10 2022 ay naglalayong mapigilan Ang nakaka alarmang pagkalat Ng spam messages at scams sa bansa.
Target naman ng Dept of Information and Communications Technology (DICT).na maregister ang 70% na active sim users sa loob ng 90 days extenstion.
Nakasaad na ang pagkabigo na mairehistro ang sim sa loob ng ibinigay na panahon ng extension ay magri resulta sa limited sim services ng telecommunication companies.
hindi pa naman malinaw sa ngayon kung ano anong klaseng serbisyo ang mawawala kapag hindi naihabol ang rehistro sa loob ng 90 araw na extension.
Sinabi ng DICT na hanggang nitong april 23, nasa 82 milyon sims ang nairehistro, o 49.31% ng kabuuang aktibong sims noong december 2022.
Sa kasalukuyan, mayroong 168,016,400 na aktibong sims sa buong bansa.
sa 82 milyong registered sims, higit 37 milyon dito ay globe subscribers, higit 39 milyon ang smart subscribers at higit 5 milyon ang dito subscribers.
Samantala, nagbabala ngayon ang Department of Information and Communication Technology (DICT) sa publiko na maging alerto dahil asahan na ang pagtaas ng text scams ngayong pinalawig pa ng 90 days ang sim card registration.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, ang mga scammers na ito ay nagpapanggap na banko kung saan hinihiling ng mga ito na i-update ang sim cards kaya kailangan magpa rehistro ng sa gayon makuha ang personal information ng isang indibidwal.
Payo ng Kalihim sa publiko huwag magpaloko sa mga scammers.
Nanawagan din si Uy sa mga kababayan natin na irehistro na ang kanilang mga sim cards dahil seryoso ang gobyerno ipatupad ang nasabing batas.
Aniya, huwag ng hintayin umabot sa punto na hindi na gumagana ang mga sim card.
Inihayag ng Kalihim na sa loob ng 90 na araw na extention umaasa sila na iregister na ng ating mga kababayan ang kanilang mga sim cards.