Mainit na tinanggap ng mga Ilonggo si President Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng grand rally ng 12 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na ginanap sa Iloilo City.
Napuno naman ng pasaring sa mga kalaban sa pulitika ang kaniyang naging mensahe sa harap ng libo-libong mga Ilonggo.
Nanindigan ito na malinis at walang bahid ng korapsyon ang kanyang grupo, hindi naugnay sa maling paggamit ng pondo noong pandemya, at walang mantsa ng dugo ng “war on drugs.”
Aniya, halos lahat din ng mga kandidato sa kaniyang kampo ay may karanasan sa paggawa ng batas at alam ang pangangailan ng mamamayan.
Dagdag nito, hindi na dapat bumalik pa sa kadiliman ng dating administrasyon ang bansa.
Matatandaan na sa proclamation rally sa Laoag City, Ilocos Norte sa unang araw ng campaign period, pinasaringan din nito ang kabilang grupo sa ilalim ni dating president Rodrigo Duterte bagamat hindi naman nito direktang binanggit ang dating pangulo.