-- Advertisements --

Muling pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang economic managers na kinabibilangan nina Finance Sec. Ralph Recto, DBM Sec. Amenah Pangandaman at NEDA Sec. Arsenio Balisacan sa Malakanyang ngayong araw.

Ito ay dahil sa patuloy na pinag-aaralan ni Pang. Marcos Jr. ang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Kasama rin sa meeting sina Executive Sec. Lucas Bersamin at DPWH Sec. Manuel Bonoan.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Cesar Chavez, noong Biyernes lang ng hapon natanggap ng Pangulo ang printed copy ng 2025 national budget.

Target ni Pang. Marcos na mapirmahan ang general appropriations act bago matapos ang taon.

Sabi ni Chavez, sa mga nakaraang pulong ay hindi naman nababanggit ang pagkakaroon ng reenacted budget.

Hindi naman masabi ni Chavez kung anong araw lalagdaan ito ng Pangulo.