Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang hindi matatawarang suporta ng national government sa Bangsamoro Autonomous Region (BARMM) at maging sa iba pang bahagi ng southern Philippines.
Siniguro ng Presidente na kaisa ang pamahalaang nasyunal sa hangarin ng BARMM na maging mapayapa, progresibo at mananatili ang pagkakaisa sa nasabing rehiyon.
Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang ceremonial turnover sa Third Intergovernmental Relations Body Progress Report ay isang patunay na naging mabunga ang partnership ng national government at BARMM.
Dagdag pa ng Presidente ang operationalization ng pitong IGRB mechanisms ay mahalaga para sa maayos na pagpapatupad ng mga provisions at mga alituntunin na inilatag sa Bangsamoro Organic Law.
Pinamamadali na ng pangulo ang pagsasapinal sa Intergovernmental Relations Body manual of operations and resolutions para sa tinukoy na mga issues.
Sa ngayon, naghahanda na ang BARMM government para sa kanilang kauna-unahang halalan na nakatakda sa 2025.
Una ng pinatitiyak ng Pangulong Marcos sa mga otoridad na panatilihing mapayapa at maayos ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.