Muling binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang suporta sa 860,000 public school teachers sa buong bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasunod ng pagdiriwang ng National Teachers Day ngayong araw.
Ayon sa Presidente sa ilalim ng kaniyang administrasyon prayoridad ang kapakanan ng mga guro.
Sisiguruhin ng Marcos admin ang career advancement ng mga guro ng sa gayon walang guro ang magreretiro na Teacher 1.
Giit ng Pangulo nais niya na mag grow professionally ang mga guro.
Sisiguraduhin ng gobyero na mabigyan sila ng kaukulang mga tulong gaya ng Kabalikat allowance na P10,000 na magiging epektibo sa susunod na taon.
Ibinida ng pangulo ang mga inisyatibo ng DepEd para sa kapakanan ng mga guro sa ilalim ng kaniyang asministrasyon.
Sa ilalim din ng administrasyong marcos, sinabi ni Deped Se Sonny angara na ipinatupad na ang unang yugto ng updated salary schedule para sa civilian government personnel sa ilalim ng exec order number 64 na naglalayong hikayatin at panatilihin sa gobyerno at sa bansa ang skilled civil servants.
Naisabatas din aniya ang kabalikat sa pagtuturo act na naglalayo g kilalanin ang mabigat na trabaho ng mga guro at ang kanilang dedikasyon sa pamamagitan ng pagtataas sa kanilang taunang teaching allowance mula 5 libong piso na ginawa nang 10libong piso tax free, at magiging epektibo sa school year 2025-2026, dagdag pa rito ang taunang 7libong pisong medical allowance.
Mayroon na ring hanggang 100 libong pisong personal accidental death insurance para sa mga guro sa pamamagitan ng gsis at medical reimbursement na hanggang 30 libong piso para sa accident related injuries.
Ayon kay angara, napapanahon nang iangat ang kapakanan, benepisyo at pakinabang ng mga guro para sa kanilang sakripisyo.