Muling tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang suporta sa Philippine National Police (PNP).
Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng dumalo ito sa graduation ceremony sa unang batch ng Bangsamoro Police Basic Recruit Course (BPBRC) sa Camp BGen. Salipada K. Pendatun, in Parang, Maguindanao del Norte on Monday.
Mensahe ng Presidente na hanggat nananatiling tunay at tapat ang mga pulis sa kanilang tungkuling, siniguro nito ang kaniyang buong suporta.
Aniya, magkatuwang ang gobyerno at PNP sa pagsisikap na mabigyan ang bawat Pilipinp ng payapa at masaganang buhay.
Pina-alalahanan naman ng Pangulo ang Bakas-Lipi class members na sila ay natanggap sa Bangsamoro Police Basic Recruit Course ay dahil sa kanilang ugali at ang hindi matatawarang pagnanasa na suportahan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ngayon at magsisimula na silang magsuot ng uniporme para magsilbi sa bayan, tiyak na dodoble ang pagsubok, kaya sa pagharap sa mga bagong hamon gawing inspirasyon ang kanilang tungkulin sa mamamayan, Isapuso at isa-isip ang ating bayan na may seguridad at kaayusan.
Ipinunto din ng Pangulo na ang paglago ng Bangsamoro ay malaking ambag sa kasaganaan ng buong Pilipinas.
Nasa 100 mga miyembro ng MILF at MNLF ang grumadweyt na magsisilbing unang batch ng PNP Patrolmen at Patrolwomen.