-- Advertisements --

Nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga panibagong insidente ng pangbu-bully ng China sa Pilipinas, sa West Philippine Sea (WPS). 

Pahayag ito ni Palace Press Officer USec Claire Castro, kasunod ng ulat na muli na namang nagsagawa ng dangerous manuevers ang Chinese Coast Guard (CCG) sa mga vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang malapit sa Zambales. 

Muntik pang magbanggan ang mga sasakyang pandagat na ito. 

Ayon kay Castro na sa kabila ng mga harrassment na ito ng China, pananatilihin nhg Pilipinas ang level of professionalism. 

Dagdag pa ni Castro, ipinauubaya na ng Malakanyang ang iba pang detalye sa Philippine Coast Guard.

Patuloy namang binibigyang-diin ng Pangulo na ni isang pulgada sa teritoryo ng bansa ay hindi nito hahayaang sakupin.

Gagawin ng gobyerno ang lahat para maprotektahan ang soberenya ng bansa.