Tama lang na parusahan ang isang pulis na vlogger dahil sa hindi magandang pagsasalita nito laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Reaksiyon ito ng Palasyo matapos kasuhan kahapon ng Quezon City Police District ang nasabing pulis.
Ang nasabing police vlogger ay kinasuhan ng inciting to sedition at paglabag sa Cybercrime Prevention Act dahil sa kaniyang partisan post sa social media.
Inamin ng Malakanyang nakarating na kay pangulong ferdinand marcos jr ang lumabas na post sa social media ng isang pulis na naghayag ng kaniyang saloobin laban sa ginawang pag aresto kay dating pangulong rodrigo duterte.
Inamin ni Palace press officer at pco usec atty claire castro na nagulat ang pangulo rito.
Ayon kay Castro, kahit naman sinong presidente ng bansa, mabibigla sa tinuran ng nasabing pulis.
Iginiit ni Castro na may nalabag ang pulis sa ginawang ito dahil una sa lahat, siya ay aktibong nasa serbisyo at dapat ay impartial o non partisan ang kaniyang posisyon.
Naniniwala si Castro na sa puntong ito ay may nalabag na batas ang nasabing pulis.
Aniya, marapat lamang na panagutin o disiplinahin ang pulis na ito, alinsunod sa itinatakda ng batas.
sa ngayon, para sa Palasyo isa itong isolated case lamang naman ito, pero muling nanindigan na kung may makikita silang dahilan o mga panawagan para sa pangggugulo, hindi aniya ito palalagpasin ng gobyerno.