Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sinumang pulitiko, mga opisyal ng gobyerno at mga uniformed personnel na masasangkot sa iligal na droga na hindi ito sasantuhin ng gobyerno at ananagot ang mga ito sa batas.
Ginawa ng Pangulong Marcos ang pahayag sa isang panayam dito sa Alitagtag, Batangas, matapos nitong ininspeksyunin ang nasabat na dalawang toneladang high grade shabu sa isang check point.
Ipinagmalaki ng Presidente ang matagumpay na operasyon ng PNP na kaniyang itinuturing bilang biggest drug haul sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Inihayag ng Pangulong Marcos na kanilang ipagpapatuloy ang operasyon at wala siyang nakikitang pangangailangan na baguhin ang estratehiya sa kampanya laban sa iligal na droga ng gobyerno.
Tila nagpasaring din ang pangulo sa dating administrasyon ni ex PRDD na kaya naman makahuli ng malaking halaga ng iligal na droga na walang dugo na dumanak.
” Kailangan rin maintidihan ang mga drug syndicate pag nahulihan parang cost of doing business nila yan e, kasama na sa kalkulasyon nila, once in a while mahuhuli tayo, pero amlaki pa rin ang kita. so tuloy tuloy lang. there is no ang tinatwag na one single answer tungko dito, theres no single bullet to this. kailangan talaga kayod. We have to operate, we have to gather intelligence, we have to coordinate with interpol, we have to coordinate with intelligence and drug agencies of other countries around of ASEAN of asia,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.