Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagamitan ng gobyerno ng buong pwersa ang sinumang nagpa planong maghasik ng karahasan sa 2025 BARMM elections.
Sinabi ng Punong Ehekutibo mas mabuting huwag na nila ituloy ang masamang plano gayung ang makalalaban aniya Ng mga ito ay walang iba kundi ang gobyerno.
Nanawagan si Pangulong Marcos sa mga taga Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na maging mapagmatyag sa pagbabantay ng kanilang karapatan para sa kauna- unahang BARMM election na nakatakda sa May 2025.
Sa talumpati ng Pangulo sa paggunita sa ika – sampung taong anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, inihayag ng Chief Executive na katuparan ang nakatakdang eleksiyon ng mga taga- BARMM para magamit ang kanilang democratic right at magkaruon ng pakikilahok SA nation building.
Umaasa Siya Sabi ng Pangulo na tangan ng bawat kandidato ang prinsipyo na ” Bangsamoro Muna ang Mauna, Bago Ang sarili.”
Kaugnay nitoy tiniyak ng Pangulo ang Isang mapayapa at matapat gayundin ng credible na pagsasagawa ng na BARMM elections sa susunod na taon.