-- Advertisements --
LAOAG CITY – Naghatid ng mensahe si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga mamamayan dito sa Ilocos Norte sa pamamagitan ni First District Congressman Sandro Marcos.
Ayon sa kongresista, nais iparating ng pangulo na anuman ang nangyayari sa pulitika, kasama na ang mga batikos sa kanya at sa kanyang administrasyon, hindi dapat mabahala ang publiko.
Tiniyak din ni Pangulong Marcos sa mga mamamayan ng lalawigan na patuloy siyang magbibigay ng tulong at suporta sa mga ito.
Maalalang nakakatanggap ng kritisismo ang pangulo at si Bise Presidente Sara Duterte sa gitna ng kanilang hindi pagkakaunawaan at dahil sa matapos na binantaan ng bise presidente sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez.