Nag-isyu ng mga proclamations si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdedeklara para sa local holidays ngayong Nobiyembre at Disyembre.
Sa ilalim ng Proclamation 711, idineklarang holiday sa City of Valenzuela sa November 12 para ipagdiwang ang kanilang ika-401 founding anniversary.
Sa bisa naman ng Proclamation 712, idineklarang holiday sa probinsiya ng Oriental Mindoro sa November 15 para sa 74th founding anniversary.
Inisyu naman ang Proclamation 713 para sa deklarasyon ng special non-working day sa city of Palayan, Nueva Ecija sa Nov. 22 para makasalo ang mga residente sa taunang kapiyestahan ng pasasalamat para sa masaganang ani. Idineklara ding holiday ang Dec. 5 sa parehong bayan sa bisa ng Proclamation 714 para sa pagdiriwang ng kanilang 59th founding anniversary.
Idineklara din bilang special non-working day sa munisipalidad ng Itogon at Tublay Benguet sa Nov. 22 base sa Proclamation 715 at 716. Gayundin holiday sa Nov. 23 para sa 124th founding anniversary sa probinsiya ng Benguet.
Idineklara ding holiday ang Nov. 25 sa Maragusan, Davao de Oro para ipagdiwang ang Araw ng Maragusan at sa Nov. 26 ay holiday sa Dasmariñas City, Cavite para sa kanilang founding anniversary.
Sa Nov. 28, special non-working day sa Sarangani province at sa Piñan, Zamboanga del Norte.
Sa Nov. 8, special non-working day sa Tanay, Rizal. Sa Nov. 15, special non-working day sa Borongan, Eastern Samar para bigyang pugay ang ika-154th anniversary ng itinuturing na overall commander ng revolutionary forces sa probinsiya noong panahon ng pakikipag-digmaan ng Pilipinas kontra sa Amerika na si Eugenio Daza.