Nagdeklara ng mga holiday si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang lugar sa bansa ngayong buwan ng Enero.
Batay sa Proclamation No. 768, idineklara ang Enero 20 bilang Special (Non-working) Day sa lungsod ng Lipa sa Batangas upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Coffee Festival.
Ayon sa Malakanyang, sa ganitong paraan mabibigyan ng buong oportunidad ang mga residente para makiisa at ma-enjoy ang nasabing okasyon.
Batay sa naman sa Proclamation No. 769, deklarado rin bilang Special (Non-working) Day ang Enero 23 sa probinsya ng Bulacan para sa anibersaryo ng pagkakatatag o inagurasyon ng First Philippine Republic na naganap sa Barasoain Church sa Malolos.
Samantala, sa Proclamation No. 770, idineklara rin bilang Special (Non-working) Day ang Enero 31 sa Lian, Batangas upang bigyang-daan ang selebrasyon ng Liberation Day sa nasabing bayan.