-- Advertisements --

KInumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) na naghahanda na ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 22, 2024.

Kasalukuyang nakatutok ang Punong Ehekutibo sa pagsasapinal ng kaniyang talumpati.

Ayon sa Presidential Communication Office ngayong hapon ay sadyang walang engagement ang pangulo.

Ito  aniya ay dahil personal  na  sinusulat ng panguluo  ang kaniyang mga sasabihin.

Ayon sa PCO kasama  sa ginagawa ng Pangulo ay ang pag edit mismo  ng kaniyang sona speech. 

Magkakaroon din umano ng rehearsal ang Presidente sa Kamara pero hindi nito sinabi kung kailan.

Una ng inihayag ng pangulo, na lalamanin ng kaniyang sona ang lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad, ano ano ang mga natapos nang proyekto ng gobyerno at  alin pa ang mga nakalinyang tatapusin sa mga susunod na taon. 

Inamin din ng Pangulo na mukhang mahirap pagkasyahin sa maikling  oras ang kaniyang ulat sa bayan, subalit sisikaping tapusin ito sa loob lamang  ng isang oras.

Hindi naman binanggit ni Sec Cheloy kung sino ang gumawa sa barong na susuotin ng Pangulo at ng first family.