Abala sa mga private meetings ngayong araw si PBBM bilang paghahanda sa nakatakdang unang Full cabinet meeting bukas para sa taong 2025
Dahil dito wala munang public engagement si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa araw na ito.
Base sa impormasyon ay nakasentro ang naka schedule na pagpupulong ng Pangulo sa araw na ito ang may kinalaman sa monetary policies…private, public , partnership at classrooms.
Nuong isang linggo matapos ang paglagda sa 2025 General Appropriations Act ay naging abala din ang Punong Ehekutibo sa mga private meetings.
Una ng ibinahagi ni PCO Acting secretary Cesar Chavez na ang 1st full cabinet meeting bukas para sa taong 2025 ay magiging bahagi ng agenda patungkol sa Legacy projects ng Marcos jr administration.
Kabilang sa tatalakayin ay mga big-ticket at ODA-funded projects gaya ng mga proyekto na may kaugnayan sa transportasyon, enerhiya, kalusugan, teknolohiya at agrikultura.