Napabilib si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa husay ni Sofronio Vasquez, ang tanging Pilipino at Asian winner ng The Voice USA.
Sa courtesy call sa Malakanyang, nagpasalamat ang Pangulo kay Vasquez sa karangalang ibinigay nito para sa Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo na sikat na naman ang bansa at mga Pilipino sa buong mundo dahil sa tagumpay nito sa international stage.
Sa panig ni Sofronio, nagpasalamat rin ito kay Pang. Marcos sa pagpapahalaga sa kanyang natamo.
Kinantahan rin nito ang Pangulo at iba pang bisita sa okasyon kasama sina First Lady Liza Araneta-Marcos at Irene Marcos.
Kabilang sa inawit nito ang isa sa mga paboritong kanta ng Presidente— ang Imagine si John Lennon at ang kanyang winning piece na “A Million Dreams.”
Hindi napigilang maluha ni First Lady Liza Marcos sa madamdaming pag-awit ni Sofronio.
Biro naman ni PBBM, “never again” o hindi na daw ulit sya kakanta kung hindi rin lang kasing-galing ni Vasquez.
Sinabi naman ng kampeon na pinili niya ang kantang ito makaraang malaman niya na fan pala ang Pangulo ang The Beatles.