-- Advertisements --

Naglabas na ng Executive Order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para opisyal ng pagbawalan ang operasyon ng hilippine Offshore Gaming Operations.

Ang EO-74 na pirmado ng Pangulo ay inilabas ilang buwan matapos na sabihan ang mga POGO na mayroon na lamang ang mga ito ng hanggang katapusan ng taon para umalis.

Bukod sa POGO ay kasama ang ilang ng uri ng Internet Gaming, at ilang Offshore Gaming Operations sa bansa.

Nakasaad sa EO na hindi na irerenew ang mga lisensiya ng nasabing mga POGO bansa.

Inatasan din ng pangulo na bumuo ng technical working groups para ipatupad ang pagbabawal ganun ang pag-aralan ang epekto nito sa ekonomiya at pagtulong sa mga Filipino POGO workers na mawawalan ng trabaho.