Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng opisyal na panunumpa sa pwesto ni US President Donald Trump bilang ika-47 na pangulo ng Estados Unidos.
Sa mensahe ng Pangulo, binati rin ni Pangulong Marcos ang mga mamamayan ng US, para sa isa na namang mapayapang paglipat ng liderato ng kanilang pamahalaan.
Ayon kay Pangulong Marcos,” looking forward” na ang kaniyang administrasyon na maka-trabaho ang Trump Administration.
Umaasa si Pangulong Marcos para sa mas masiglang pakikipag tulungan kay Trump at sa administrasyon nito.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang malakas at matagal na alyansa ng Pilipinas at Amerika ay magpapatuloy sa pagtalima sa parehong vision ng pag unlad at seguridad sa rehiyon.
“Congratulations to POTUS @realdonaldtrump and to the American people on another peaceful transfer of power in their Nation’s nearly 250-year history. I look forward to working closely with you and your Administration. The strong and lasting PH-US alliance will continue to uphold our shared vision of prosperity and security in the region,” mensahe ni Pang. Marcos.