Pinayuhan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga benepisyaryo ng Presidential Financial Assistance sa Bicol region na gamitin sa tama ang kanilang natanggap na ayuda.
Sa kanyang talumpati sa Camarines Sur, nagpaalala sa kanila ang Pangulo na gamitin ang ayuda upang mas mapalawig pa ang kanilang sakahan, palaisdaan at negosyo.
Kasabay ng pag-himok sa kanila na huwag mahihiyang lumapit sa mga ahensya ng gobyerno sa oras ng kanilang pangangailangan lalo na kung para sa ikabubuti ng kanilang kalagayan.
Nagbigay naman ng direktiba si Pangulong Marcos sa Department of Agriculture at sa Department of Agrarian Reform na ituloy lang ang pamamahagi ng lupa at serbisyo lalo na sa mga lubos na naapektuhan ng El Niño.
Nabatid na nasa 2,000 Agrarian Reform Beneficiaries ang nakatanggap ng titulo ng lupa sa Camarines Sur.