-- Advertisements --

speakercebu

Muling nagkasama sina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa isang event sa Cebu City kung saan pinangunahan ng chief executive ang grand launching ng Pier 88 sa Liloan, Cebu kahapon.

Tahasang inihayag ng Pangulong Marcos ang kaniyang suporta sa bise presidente na kamakailan lamang ay nag resign bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats party sa kabila ng nagpapatuloy na tensiyon o hindi pagkakaunawaan sa pulitika.

Si VP Sara ang nag introduce kay Pang. Marcos Jr.

Sa nasabing event, tinawag ng Pangulo ang kaniyang sarili bilang official BFF o best friend forever ni VP Sara.

Siniguro ng Pangulo na mananatili siyang biggest fan ni vice President Duterte.

Namataan din na habang nag-uusap sina Pangulo at VP Sara kasama din dito si Speaker Romualdez.

Bumulaga sa lahat ang ulat kaugnay sa tangkang coup kung saan layong patalsikin sa pwesto si Speaker Martin Romualdez na umano’y pinangunahan ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo dahilan na pinalitan ito bilang senior deputy speaker.

Sinundan din ito ng pagbibitiw ni VP Sara sa partido.

Sa pagsasama muli nina Pang. Marcos at VP Sara makikita na walang tensiyon sa pagitan ng dalawa.

“Sorry na lang, sa ayaw mo at sa gusto mo, I’m still your number one fan.” Ito ang mensahe ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng mga aniya’y nangyayaring “gulo” nitong mga nagdaang linggo.

Sinabi rin ni Marcos kay Duterte na siya ang “self-appointed official BFF” nito.