Lubos na nagpapasalamat si PBBM sa ADB sa mga foreign assisted projects nito para sa Pilipinas.
Ito’y kasunod sa farewell call ni ADB Pres. Masatsugu Asakawa kaninang umaga sa malakanyang.
Sinabi ng Pangulo malaki ang ambag ng mga proyektong ito sa Pilipinas at napakahalaga ng mga ito.
Ayon Punong Ehekutibo, ang ADB ay palaging nangunguna sa lahat ng mga proyektong tinulungan ng mga dayuhan sa bansa. Ipinahayag din ni PBBM ang kanyang layunin na palakasin pa ang partnership.
Upang parangalan ang walang humpay na suporta at serbisyo ng ADB, iginawad ni Pangulong Marcos kay Asakawa ang Order of Sikatuna na may ranggo ng Datu (Grand Cross) Gold Distinction.
Ang parangal ay ibinigay bilang pagkilala sa kanyang makabuluhang pagsisikap na palalimin ang partnership at pangkalahatang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ADB.
Itinatampok din nito ang kanyang pambihirang pamumuno sa paggabay sa ADB na manatiling tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain ng mamamayang Pilipino, partikular sa mga lugar tulad ng pag-unlad ng ekonomiya, kalusugan, pamumuhunan sa imprastraktura, katatagan ng klima, at pag-unlad ng human capital.
Si Asakawa naman ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat kay Pangulong Marcos sa pagpayag ng pulong bago tapusin ang kanyang panunungkulan.
Si Asakawa ay nagsilbi bilang ADB president sa loob ng limang taon, simula sa kanyang termino noong Enero 17, 2020.