-- Advertisements --

Lubos na nagpasalamat siPangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Pangulong Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ng United Arab Emirates sa pagbibigay ng clemency sa 115 Pilipinong convicts sa Holy Month ng Ramadan at Eid-al-Fitr.

Personal na ipinaalam ng UAE Ambassador sa Maynila na para sa Ramadan at Eid-al-Fitr ngayong season sa hindi bababa sa 115 Filipino convicts ang napalaya.

Una ng pinasalamatan ng Pangulo ang UAE sa pag pardon sa 143 Pilipino para sa Eid-Al-Adha noong nakaraang taon at 220 sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.

“This gesture is a reflection of our countries’ special partnership, as embodied in the nearly one million Filipinos who have made the Emirates their home and in the warm personal friendship and mutual respect between myself as the leader of the Filipino people and Sheikh Mohamed as the leader of the Emiratis. On behalf of the Philippine government, we extend our sincerest thanks to President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan for this compassionate act,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Ang royal pardon na ito ay pagpapakita sa kahalagahan ng pakikiramay at pangalawang pagkakataon sa diwa ng Ramadan.

Tanda din ito ng mataas na paggalang ng pamahalaan ng UAE kay Pangulong Marcos.

Ang nasabing hakbang ang magdudulot ng ginhawa at kagalakan sa mga pamilya ng mga pinatawad na convicts, na marami sa kanila ay nahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay sa loob ng maraming taon.