Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Ilocos Norte.
Ito ay upang makita ang malawak na pinsalang iniwan ng bagyong “julian” sa kanyang home province.
Sa nasabing inspeksyon, nakita ng Presidente ang epekto ng bagyo kabilang ang mga umapaw na ilog.
Samantala, inispeksyon din ni marcos ang gabu dike na sinira ng bagyo.
Pinangunahan din ng pangulo ang situation briefing sa kapitolyo ng Ilocos Norte sa laoag city, kung saan kanyang ipinatiyak ang kaukulang tulong sa mga apektadong lugar at residente.
Nagbigay din ang Pangulo ng P100 million na cheke mula sa Office of the President, bilang tulong sa pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte.
Isa din ang Ilocos Norte na hinagupit ng Bagyong Julian.
Samantala, tinukoy ni Pangulong Marcos ang siltation bilang pangunahing sanhi ng pagbaha sa Ilocos Norte sa kasagsagan ng bagyong Julian.
Sa situation briefing sa Laoag city, inihayag ng pangulo na ang pagiging mababaw ng mga ilog ang pinag-ugatan ng mga pagbaha at pinsala sa kanyang home province, kabilang na ang nasirang Gabu dike.
Aminado rin si Marcos na inaasahang matatagalan bago ito masolusyonan.
Sa kabilang dako sinabi ng Pangulo na maghahanap sila ng malalaking kumpanyang makakatulong upang mahukay at mapalalim ang mga ilog at posible ring mag-import ang bansa ng malalaking makinarya sa China o Taiwan.
Sinabi naman ni DPWH Secretary Manny Bonoan na bibili sila ng karagdagang dredging equipment sa 2025 at lilinisin din ang mga debris na nakabara sa sabo dams na sumasalo sa tubig-ulan.