-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Alexander Tantoco Lopez bilang bagong chairman ng Philippine Reclamation Authority (PRA).

Batay sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Marcos, na epektibo ang termino ni Lopez bilang miyembro ng Board of Directors (BOD) ng PRA mula pa noong Hulyo 1,2023 at matatapos ito sa Hunyo 30,2024.

Sa hiwalay namang appointment letter na ipinadala sa PRA at may petsang Nobyembre 7,2023, ipinabatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa BOD na aprubado na rin ni Pangulong Marcos ang nominasyon ni Lopez bilang chairman ng ahensya.

Kasabay nito, inatasan din ang PRA na bigyan ng kopya ng dokumento si Lopez at ipagbigay-alam dito ang kanyang nominasyon bilang pinuno ng ahensya sa loob ng pitong araw.

Si Lopez ay miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Pang. Marcos.

Tumakbo din siya bilang alkalde ng Manila subalit natalo ito.