Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang bagong chairman ng Presidential Commission on Good Government si Melchor Quirino Sadang.
Kasama si Sadang sa listahan ng mga bagong appointee ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na inilabas ng Presidential Communications Office.
Si Sadang ay naging Associate Justice ng Court of Appeals noong 2011 hanggang 2017.
Bago ito ay naging Presiding Judge siya ng Regional Trial Court sa Cavite City mula 2000 hanggang 2011.
Matatandaang naging miyembro si Sadang ng 5-man committee na naatasang sumuri sa higit 900 police generals at mga coronel na nagresign noong magkaroon ng internal cleansing sa Philippine National Police (PNP).
Ang PCGG ang naatasan sa pagbawi ng “ill-gotten” o mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.
Pinalitan ni Sadang si PCGG Chairman John Agbayani, na kinasuhan ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman.
Ang PCGG ang ahensya ng gobyerno na nakatutok sa pag rekober ng mga ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.